Thursday 28 January 2010

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM'S [ALS]ACCREDITATION AND EQUIVALENCY

   Mahigit 90,000 ang kumuha ng ALS's A and E Test sa buong PIlipinas noong nakaraang taon.Ngunit mahigit 20,000 lang ang nakapasa.Mahigit 70,000 ang hindi pinalad na makapasa.Maaring ang 70,000 na ito ay nag-take ulit ngayong Nov. 2009.Kaya malamang na umabot sa 100,000 ang kumuha ng exam ngayong 2009.Maraming itinuturong dahilan ang mga ALS learner's kung bakit hindi sila nakakapasa sa pagsusulit na ito.
   Ang pangunahing dahilan umano ay ang hindi nila pagpasa ng Part II ng A and E test na Essay dahil hindi raw sila marunong o mahusay gumawa ng isang magandang essay story
   
   Pangalawa ay ang pag bagsak nila sa Part I ng A and E test na may limang subject.Kada subject ay may 50 questions.Kahit isang subject lang ang maibagsak ay automatic na bagsak na ang buong exam.
   Pangatlo ay hindi sila umano ni-review ng maigi ng kanilang mobile teacher.
   May mga batayan ang Bureau of Alternative Learning System[BALS] para makapasa sa A and E test.Narito ang sumusunod;

   a]Kapag ang Standard Score ay 95-100 at ang essay ay hindi bababa ng 3

   b]Kapag ang Standard Score ay 100 pataas at ang essay ay hindi bababa ng 2

   May special award na makukuha ang passer kung ang standard score nya ay umabot sa itinakda ng BALS.Makakatanggap rin ang mga passers ng Clearance ,Certification,Card at Diploma na magagamit nila sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa high school o college sa lahat ng paaralan sa Pilipinas.
   

                      CONGATULATIONS TO ALL THE PASSERS